Pangulong Duterte, hinimok ang ASEAN na bilisan ang pagbili ng COVID-19 vaccines

Pangulong Duterte, hinimok ang ASEAN na bilisan ang pagbili ng COVID-19 vaccines

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN na pabilisin ang pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19 upang matulungan ang mga miyembrong bansa na makabangon mula sa pandemya.

Hinikayat ng Pangulo ang (ASEAN) na pabilisan ang pagbili ng mga bakuna para sa COVID-19 sa lalong madaling panahon upang matulungan ang mga miyembrong bansa na makabangon mula sa pandemya.

‘’While we welcome and appreciate the support of our external partners, we as asean community must be able to stand on our own. Hence, i urge the asean secretariat to expedite vaccine procurement through the covid-19 response fund. If there are still available funds, then we should purchase more,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Ito ang ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa kanyang interbensyon sa 38th ASEAN summit.

Binigyang-diin din ng punong ehekutibo ang panukala na magkaroon ng sariling vaccine research at production facility ang bansa na aniya ay makakatulong sa mga darating na health emergencies.

Nanawagan din si Duterte para sa agarang pagtatatag ng ASEAN center on public health emergency and emerging diseases.

Saad ng Pangulo isang taon na ang nakalipas mula nang makonsepto ang center at naghihintay na ang mga donor at kasosyo ng Pilipinas na gawing host ang bansa.

‘’It has been almost a year since we conceptualized the centre. Our generous donors and partners are still waiting for us to choose the host country,’’dagdag nito.

Binigyang diin din ni Duterte na dapat mapatakbo na ang ASEAN travel corridor arrangement framework para mapagsigla na muli ang ekonomiya sa lalong madaling panahon.

‘’As we have said before, an open multilateral trading system and a clear roadmap are vital to economic recovery,’’ayon kay Duterte.

Pinasalamatan naman ng pangulo ang mga powerhouse nations sa kanilang tulong sa panahon ng pandemya.

SMNI NEWS