MAGSISIMULA ngayong araw ang state visit ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa bansang Singapore.
Ito ay matapos maimbitahan ni Singaporean President Halimah Yacob.
Inaasahan magiging kasama sa biyahe ng Pangulo si First Lady Louise Araneta-Marcos, miyembro ng kaniyang delegado at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Bilang pagbigay karangalan sa pagbisita nina Pangulong Marcos sa Singapore ay ipapangalan sa kanila ang isang hybrid na orchid na pinangalanang Dendrobium Ferdinand Louise Marcos.
Samantala, isang ceremonial welcome ang ihahanda sa Istana na susundan ng state lunch na hinanda ng Singaporean president.
Habang si Prime Minister Lee Hsien Loong ay magsisilbing host ng Pangulong Marcos para sa isang breakfast.
Sasaksihan naman nina Marcos at Lee ang paglalagda ng ilang mga bilateral agreements na sesentro sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
Ilan sa mga kasunduan na lalagdaan ay may kinalaman sa counter-terrorism at data privacy.
Magugunitang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang huling Pangulo ng Pilipinas na bumisita sa bansang Singapore noong taong 2016.