Pangulong Marcos, nagtalaga ng bagong commissioner ng CHR

Pangulong Marcos, nagtalaga ng bagong commissioner ng CHR

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Atty. Beda Angeles Epres bilang bagong commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).

Kinumpirma ito ng Malakanyang kung saan may petsang September 15, 2022 ang appointment letter na pinirmahan ni Pangulong Marcos.

Magsisilbi si Epres sa komisyon ng pitong taon mula 2022 hanggang 2029.

Samantala, positibo naman ang CHR na si Commissioner Epres ay patuloy na mag-aambag sa paggawa ng isang matatag at mabigat na institusyon na tumutugon sa hinaing ng mamamayan partikular ng mga mahihina, vulnerable at marginalized individuals.

Sa ngayon, mayroon pang tatlong bakanteng posisyon para sa commissioners at isa para sa chairperson position ang CHR.

Follow SMNI NEWS in Twitter