HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga kapwa miyembro ng United Nations sa kagustuhan nitong mapabilang ang Pilipinas sa UN Security Council.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ibinahagi ni Pangulong Marcos sa 77th UN General Assembly ang hakbang ng Pilipinas sa pagkamit ng kapayapaan.
Saysay ng OPS, ibinigay na halimbawa ng Punong Ehekutibo ang pagkakatatag ng Bangsamoro Government at ang pakikipagpulong ng Pilipinas sa mga karatig-bansa sa Asya.
Inihayag ng Press Secretary na ang UN Security Council ang nagpapanatili sa international peace at security.
Mayroon itong 15 miyembro at pinangungunahan ang pagtukoy kung may banta sa seguridad at kapayapaan ang mga bansang miyembro ng United Nations.