KARANGALAN para sa dalawang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force ang opisyal na pag-escort nito sa official state visit ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa New York City, USA.
Ito ay para dumalo sa 77th United Nations General Assembly (UNGA).
Bilang bahagi ng tradisyon, pinangungunahan ng Philippine Air Force ang pagtitiyak na ligtas ang flight o paglipad ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula sa kanyang pag-alis hanggang sa paglapag nito.
Ayon sa Philippine Air Force, hindi na ito bago sa ibang mga bansa sa tuwing may opisyal na pagbisita ang kanilang pinuno sa iba’t ibang panig ng mundo.