INAABANGAN ang panibagong balasahan na ipatutupad ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ng ilang matataas na opisyal matapos maabot ang mandatory retirement age.
Kabilang sa mga nagritiro ay sina PNP Directorate for Logistics Director Police Major General Ronaldo Olay at PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major Eliseo Cruz.
Si Olay ay nakilala bilang pinuno ng PNP Public Information Office at tagapagsalita ng PNP.
Habang si Cruz ay ang namuno sa Special Investigation Task Group 990 na nag-imbestiga sa kontrobersiyal na pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal ng pulisya sa bilyong pisong halaga ng ilegal na droga.
Pinuri ni Acorda ang dalawang opisyal para sa kanilang nagawa sa organisasyon lalo na sa ilang dekada nilang paglilingkod sa PNP.