Panibagong BSKE Calendar, inilabas ng COMELEC

Panibagong BSKE Calendar, inilabas ng COMELEC

NAGPALABAS ng bagong calendar of activities ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Brgy at SK Elections sa Disyembre.

Una nang sinabi ni COMELEC Chair George Garcia na magkakaroon sila ng adjustment sa kanilang mga schedule para dito sa Brgy at SK Elections dahil sa itinutulak na panukalang batas na ma-postpone ito sa Disyembre.

Sa bagong resolution na na-promulgate ng komisyon, ang filing ng certificates of candidacy ay mangyayari na sa Oktubre 22 hanggang 29 maliban sa Oktubre 23.

Ito ay dating naitalaga mula sa Oktubre 6 hanggang Oktubre 13 maliban sa Oktubre 9.

Samantala, batay rin sa revised calendar ng COMELEC, magsisimula naman ang election period at ang gun ban sa Nobyembre 6 hanggang Disyembre 20.

Ito ay dating itinakda mula Oktubre 6 hanggang Disyembre 12.

Hindi naman nabago ang schedule para sa pagsisimula ng campaign period.

Ang campaign period ay magsisimula pa rin sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 3.

Sa Disyembre 5 ay mangyayari ang Barangay at SK Election gaya ng unang sinabi ng COMELEC.

Nakatakda naman sa Enero 4, 2023 ang huling araw ng filing ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Noong araw ng Miyerkules ay ipinasa na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukala para ma-postpone ang Brgy at SK Elections.

Habang sa Kamara, pasado na sa huling pagbasa ang panukalang batas.

Follow SMNI News on Twitter