PNP, may asim na ayon kay Senator Bato dela Rosa

PNP, may asim na ayon kay Senator Bato dela Rosa

MAY kaunting arrive na raw ang Philippine National Police (PNP) ngayon, ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

May asim na! Ito na ngayon ang kambiyo ni Sen. Dela rosa sa ipinapakitang performance ngayon ng PNP.

 “I’m quite satisfied with their actions. Ibig sabihin they are reacting to the clamour of the public and also to my personal criticism about the situation. Maganda po ‘yun at nagre-react sila at makikita naman natin maganda ang kinalabasan. They performed well, nagsumikap sila at ang taumbayan ang makikinabang dito sa kanilang effort,” pahayag ni Dela Rosa.

Batay sa datos ng PNP ngayon, halos sunud-sunod ang accomplishment ng pulisya dahil sa pagkakahuli ng mga suspek mula sa iba’t ibang krimen, wala na rin siyang nababalitaang naitalang kaso ng kidnapping nitong nakaraang linggo ayon sa senador, magandang senyales ito na ginagawa ng PNP ang lahat ng makakaya nito na tuluyang walisin ang kriminalidad sa bansa .

“Titingnan natin. Ito noong nagdaang mga araw ay maganda ang ipinakikita ng PNP di ba? Wala na tayong narinig na mga kidnappings, mga killings, lalung-lalo na involving Chinese nationals, foreign nationals POGO related cases,” ayon sa senador.

Matatandaang, tinawag noon ni Dela Rosa ang PNP na walang asim at walang arrive matapos ang sunud-sunod na kidnapping incident sa bansa bagamat sa huli ay nagkasundo naman sina Sen. Dela Rosa at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Kaugnay sa direksiyon ng kampanya ng pulisya kontra kriminalidad kasabay rin nito ang paliwanag ng PNP na maninindigan sila sa rule of law.

 

Follow SMNI News on Twitter