AASAHAN ngayong linggo ang panibagong rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo.
Ito ay ayon sa Unioil Petroleum Philippines.
Batay sa pagtataya, posibleng bababa mula P1.00 hanggang P1.20 ang kada litro ng diesel.
Habang mula P0.20 hanggang P0.50 ang makakaltas sa kada litro ng kerosene.
Hindi naman tiyak kung may rollback na P0.20 o price increase na P0.10 sa kada litro ng gasolina.
Ang nasabing mga price adjustment ay ipatutupad sa Martes.
Asahan naman ngayong araw ang pinal na anunsiyo ng mga kumpanya ng langis para sa ipatutupad na presyuhan sa nasabing mga produkto.