PASADO sa second reading sa Kamara ang House Bill No. 4122 na naglalayong patawan ng 12 percent vat ang Netflix at iba pang foreign digital services.
Sa panukala, ninanais na magkaroon ng patas na playing field sa pagitan ng traditional at digital businesses kaya’t target nitong patawan ng vat ang digital service providers.
Target din dito ang pagkakaroon ng karagdagang revenue para sa pamahalaan mula sa bagong sources.
Exempted sa panukala ang educational services gaya ng online courses at webinars para sa mga pampribadong institusyon.
Ang mga nagbibigay ng serbisyo para sa pamahalaan ay papatawan lang din ng 5 percent na vat.