LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2421 o ang panukalang batas na magbibigay ng COVID-19 benefits habang umiiral ang State of National Public Health Emergency.
Batay ito sa 23 senador na pabor o bomoto upang maipasa ang bill para sa lahat ng mga public at private health workers.
Sa ilalim ng panukala, ang allowance na matatanggap ng health worker ay nakadepende sa lebel ng exposure nito sa COVID-19 virus.
9,000 ang matatanggap na allowance sa mga health worker na may high-risk exposure sa COVID-19, 6,000 naman ang matatanggap sa mga expose sa medium risk at 3,000 pesos naman sa mga may low risk exposure.
Nakalagay din sa panukala na may matatanggap na compensation benefit ang mga medical front liner na tatamaan ng virus na nagkakahalaga ng P15,000 para sa mild o moderate cases, P100,000 para sa severe; at P1 million kapag mamatay ito mula sa virus.
Ang mga health workers na mahahawan ng sakit ay magkakaroon din ng full PhilHealth coverage para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot.