Ferolino, pinagdidiinan na walang ‘delay’ sa kaso ni BBM

Ferolino, pinagdidiinan na walang ‘delay’ sa kaso ni BBM

PINAGDIDIINAN ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Aimee Ferolino na walang ‘delay’ sa kaso ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Sinagot ni Commissioner Aimee Ferolino ang akusasyon ni Commissioner Rowena Guanzon na tinatagalan niya ang paglalabas ng resolusyon ng disqualification case ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi rin ni Ferolino na wala siyang dapat ipaliwanag dahil hindi totoo na naaantala ang paglalabas ng resolusyon.

Aniya, dapat itigil na ni Guanzon ang pagkokondisyon sa utak ng mga tao na may nangyayaring ‘delay’.

Saad pa ni Ferolino, noong Enero 10 lamang ibinigay sa kanya ang trabaho para isulat ang ruling para sa tatlong disqualification petitions na pag-iisahin lamang.

Dagdag pa ni Ferolino, sinisira ni Guanzon ang kredibilidad ng COMELEC.

SMNI NEWS