LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang panukalang batas na magtatakda ng benepisyo sa mga healthcare worker tuwing panahon ng pandemya o public health crisis.
Sa ilalim ng Public Health Emergency Benefits for Health Workers Act ay makatatanggap ang lahat ng uri ng healthcare worker ano man ang employment status.
P3,000 na special risk allowance ang matatanggap para sa mga nagtatrabaho sa low risk areas, P6,000 sa mga nasa medium risk at P9,000 para sa mga nasa high risk.
May nakalaan ding compensation package para sa mga health care workers na tatamaan ng COVID-19 o iba pang sakit habang naka-duty.
P1 million ang matatanggap ng pamilya ng mga masasawi habang nasa trabaho lalo na ngayong may pandemya, P100,000 para sa sever o critical case at P15,000 kung mild to moderate.