TULUYAN nang pinagpaliban ng Malacañang ang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. George Garcia, naipaabot sa kaniya sa Malacañang na pirmado na ng pangulo ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng naturang eleksiyon, na orihinal na nakatakdang ganapin kasabay ng national at local elections sa Mayo 12.
Matatandaang na-certify bilang urgent ang panukalang batas na ito.
“I was informed by Malacañang that the President has already signed the bill into law for the resetting of the BARMM elections this year,” pahayag ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi pa niya nakikita ang nilalaman ng mismong batas.
Ayon sa kaniya, ang anumang adjustment at preparasyon ng COMELEC para sa BARMM elections ay depende sa probisyon ng enrolled bill na nilagdaan ng pangulo.
Matatandaang iminungkahi ng Kongreso ang pagpapaliban ng Bangsamoro elections matapos ideklara ng Korte Suprema na hindi bahagi ng Bangsamoro region ang Sulu.
“Gusto naming alamin kung magbubukas ba kami ng bagong registration, kailan ang campaign period, at paano ang procurement,” aniya.
Follow SMNI News on Rumble