Panukalang P1.42-T badyet sa imprastraktura, tumaas ng 6.6% sa 2024 NEP

Panukalang P1.42-T badyet sa imprastraktura, tumaas ng 6.6% sa 2024 NEP

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang alokasyon na P1.42-T badyet sa imprastruktura sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) o 6.6 porsiyento na pagtaas mula sa P1.33-T na inilaan para sa 2023.

Binigyang-diin ni DBM Secretary at Development Budget Coordination Committee (DBCC) chairperson Amenah Pangandaman ang halaga at detalye ng infrastructure development sa ilalim ng Build Better More program.

Sinabi ni Pangandaman na ang pag-unlad ng imprastruktura ay isang pangunahing salik sa pagkamit ng mga layunin upang pasiglahin ang mas mataas na paglago ng ekonomiya at tulungan ang maraming Pilipino na namumuhay nang komportable.

Layon din nitong lumikha ng mas maraming trabaho at magsulong ng mga pamumuhunan sa pamamagitan ng pinahusay na koneksiyon at pinababang gastos sa logistik at transportasyon.

Halos kalahati ng iminungkahing badyet sa imprastruktura o 43.5 porsiyento, ay mapupunta sa mga pasilidad na may kaugnayan sa transportasyon tulad ng Road Networks.

Ito ay may alokasyon na P463.25-B.

Ibinahagi pa ng DBM na ang pondo para sa Railway Systems ay nasa P153.5-B.

Ito’y P113.4-B o 283 porsiyento na malaking pagtaas, kumpara sa P40.1-B na pamamahagi nito sa Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act (GAA).

Bilang proactive measure naman para mabawasan ang mga pinsala sa panahon ng kalamidad, naglaan ang DBM ng P255-B para sa Flood Control Systems o katumbas ng 18 porsiyento ng Build Better More program.

Bukod dito, ang mga pamumuhunan sa social infrastructure ay kinabibilangan din ng mga probisyon para sa school buildings na may alokasyon na P40.6-B; Mga ospital at health center na nasa P15.31-B; at Mga pasilidad ng pabahay at komunidad sa P2.12-B.

Saad ng DBM, mangangailangan ito ng mga alokasyon para sa water supply systems na nagkakahalaga ng P5.43-B, kasama ang sapat na sanitation facility at power supply system worth P3.58-B, kabilang ang mga kabahayan at State Universities and Colleges (SUCs) bukod sa iba pa, sa buong bansa.

Kasama sa programang Build Better More ang Public Sector Infrastructure Budget ng Department of Transportation (DOTr) na may P176.4-B, at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may nakalaang P801.2-B.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble