PAO: Kung may sama ng loob sa media, idaan sa legal na paraan, hindi sa armas at dahas

PAO: Kung may sama ng loob sa media, idaan sa legal na paraan, hindi sa armas at dahas

IKINABABAHALA ng Public Attorney’s Office (PAO) na marami na sa mga mamamahayag ang pinaslang dahil sa mga ilegal na pamamaraan ng mga taong nasasagasaan.

Ayon kay Atty. Acosta, bagama’t hindi naman dapat pero ilan na rin sa mga mamamahayag ang nagbuwis ng buhay dahil sa mga nasagasaan na mga media ay maimpluwensiya, makapangyarihan, may kayamanan, at ang kanilang ginagawa ay kitlin ang buhay ng mga mamamahayag.

Aminado rin si Acosta, sila mismo na mga abogado ay nanganganib din ang buhay.

Ilan sa mga kasamahan nila ay nagbuwis na rin ng buhay.

Ang pahayag ni Atty. Acosta kasabay sa isinagawang 2023 NCR-Wide Media Summit na may temang “Promoting a free responsible press towards a safer  media community” na pinangunahan ng Presidential Task Force on Media Security katuwang ang PAO.

Kailangan din aniya na pag-aaralan ng media ang batas upang maiwasan ang galit at bangis ng mga nasasagasaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble