34 panibagong kaso kaugnay sa Dengvaxia, inihain laban kay dating DOH Sec. Janette Garin

34 panibagong kaso kaugnay sa Dengvaxia, inihain laban kay dating DOH Sec. Janette Garin

NAGHAIN ng 34 na panibagong Dengvaxia Cases ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating Health Sec. Janette Garin.

Sa pahayag nina Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta at PAO-Forensics Division Director Erwin Erfe, inihain ang mga bagong kaso sa Quezon City Regional Trial Court Branch 229.

Inihain ang mga bagong Dengvaxia Cases kasunod ng inilabas na resolusyon ng Korte Suprema na gawing exclusive courts para sa anumang Dengvaxia-related cases ang family courts sa Quezon City.

Kaugnay rito ay nilinaw ng PAO na ang mga inihaing kaso ay kapareho lang sa mga naihain na sa iba’t ibang Metropolitan Trial Courts subalit na-dismiss lang noon dahil sa kakulangan ng hurisdiksiyon.

Maliban sa 34 na panibagong kaso ay mayroon pang hiwalay na walong kaso sa kaugnay na isyu laban kina Garin, dating Health Sec. Francisco Duque III, mga executive ng vaccine manufacturer na Sanofi Pasteur Inc., at ang vaccine distributor na Zuellig Pharma, mga opisyal ng Research Institute for Tropical Medicine, Philippine Children’s Medical Center at Food and Drug Administration (FDA).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble