NAILIGTAS na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 71 pasahero ng isang roll on/roll off ferry na na-stranded sa Capul Island.
Sa ulat, naglalayag ang MV Reina Hosanna mula Allen, Northern Samar papuntang Matnog, Sorsogon nang makaranas ito ng engine failure, gabi ng Pebrero 11, 2024.
Itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng engine failure ang malakas na agos ng tubig ayon sa PCG.
Unang pinadala ng operator ng MV Reina Hosanna ang MV Reina Immaculada subalit naputol ang mooring line nito nang subukang hilahin ang na-stranded na ferry.
Sa kabila nito, naging matagumpay pa rin ang pag-rescue ng mga pasahero.