MAGKASUNOD na naggawad ng selebrasyon ang UK DDS o Diehard Duterte Supportes ng London United Kingdom bilang pasasalamat para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pagdiriwang naman sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handog ng UK UniTeam.
Engrande kung maituturing ang ginawang selebrasyon para sa advanced inauguration party ng magiging bagong pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30 na dinaluhan ng mga kababayang Pinoy sa London United Kingdom.
Ang advanced inauguration party ay ginanap nitong Sabado, Hunyo 25 na pinangunahan ng UK UniTeam officials.
Ginanap ang pagdiriwang sa The Millenium Hotel, Gloucester Road sa Central London na dinaluhan ng higit 200 katao. Dinaluhan ito ng pinagsamang taga suporta ng Marcos-Duterte tandem.
Nagbigay parangal ang organisasyon sa mga indibidwal na nagpakita ng kakaibang pagsuporta at dedikasyon sa panahon ng kampanya- kabilang na ang SMNI News Team na nagbabalita sa kanilang mga kaganapan.
Nagkantahan, nagsayawan at nagpalaro sa ginanap na selebrasyon. Nagpaunlak din ng munting mensahe si Attorney Glenn Cheong sa pamamagitan ng video message para sa lahat ng dumalo bilang pasasalamat sa mga taga suporta.
Pasasalamat at pag-alala sa kabutihan ni outgoing President Duterte naman ang naging selebrasyon ng UK DDS. Naging emosyonal ang mga taga suporta ni PRRD ngunit sila ay nagpabatid ng pagsuporta sa susunod na administrasyon.
Ang isang ipinagmamalaki ng UK DDS organisation na naging proyekto nila ay ang “House of Hope” na pinatayo sa Davao. Ito ay isang sensory library para sa mga cancer patients na mga bata.
Ayon sa lider ng organisasyon na si Ma’am Moe Wicks, naging inspirasyon nila si Pangulong Duterte sa pagtulong sa mga nangangailangan na mga kapwang Pilipino.
Pinag-ambagan ito ng mga ordinaryong Pilipino sa UK at sila ay nagpapadala ng suporta nang walang humpay sa nagdaang 6 na taon sa mga batang ito.
Noong mapanood naman ito ng mga taga supporta ng UK UniTeam, nangako silang ipagpapatuloy at tutulong pa sila sa mga nasimulang adhikain ng UK DDS organisation.