NCRTF-ELCAC, nagsagawa ng awareness program sa Baseco Compound

NCRTF-ELCAC, nagsagawa ng awareness program sa Baseco Compound

TINATAYANG nasa 800 benepisyaryo na mga residente ng Baseco Compound sa lungsod ng Maynila ang dumalo para sa Serbisyo Caravan ng National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NCRTF-ELCAC) ngayong araw.

Maaga pa lang dagsa na ng mga tao ang Ninoy Aquino Elementary School sa Baseco Compound kung saan nagbigay ng orientation ang NCRTF-ELCAC sa mga residente sa lugar.

Layon ng programa na mabigyan ng kamalayan ang mga residente na hindi malinlang ng mga komunistang teroristang grupo gaya ng  Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front  (CPP-NPA-NDF) at ng kanilang front organizations na nagbabalak na magrecruit sa hanay.

Bukod pa dito nagbigay rin ng libreng pagkain at mga ayuda at libreng medical consultation ang NCRTFELCAC sa mga naturang residente mula sa ibat ibang ahensya ng gobyerno.

Sa panayam ng SMNI News sinabi ni Regional Director Dennis Godfrey Gammad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA-NCR), ginawa nila ang serbisyo caravan sa mga tagaBaseco Compound dahil target ng mga komunistang grupo ang mag-recruit sa kanilang hanay sa mga depressed area gaya ng Baseco.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit kailangang palawakin ang kaalaman ng mga residente kaugnay sa panlilinlang ng mga makakaliwang grupo ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na inagurasyon ni incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Gaya ni Ka Lolit na dating miyembro ng NPA, sa kanyang murang edad na 14-taong gulang madali siyang nahikayat dahil akala niya ito ang tunay na makapagbabago ng buhaymaralita.

Aminado din si Ka Lolit na madalas silang mag-recruit sa mga lugar gaya ng mga depressed area.

Ngayong malaya na si Ka Lolit  mula sa pagiging miyembro ng komunistang grupo hindi niya makakalimutan ngayon ang tunay na pagbabago na ginawa sa kanya ng gobyerno na dati niyang kinakalaban noon dahil sa paglilinlang ng partido.

Samantala, dumalo rin sa nasabing kaganapan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Felipe R Natividad na aniya sa hanay ng mga pulis matagal nang sinasagawa ang mga ganitong programa.

Tiniyak ng ELCAC na hindi lang ito ngayong araw kundi tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng awareness program sa mga maralitang lugar gaya sa Baseco.

 

Follow SMNI News on Twitter