Pasay LGU, kinondena ang pahayag ng isang opisyal ng PAOCC hinggil sa iligal na operasyon ng POGO sa lungsod

Pasay LGU, kinondena ang pahayag ng isang opisyal ng PAOCC hinggil sa iligal na operasyon ng POGO sa lungsod

INIIMBESTIGAHAN na ng PAOCC katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang posibleng culpability o criminal liability ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pasay City. Kaugnay ito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa lungsod.

Sinabi ito ni PAOCC Spokesperson Director Winston Casio lalong-lalo na aniya ang nag-i-isyu ng mayor at business permit.

‘’Although, the local chief of police has always been with us in the fight against illegal POGO, but we’re taking a look at the possible culpability, criminal liability of LGU officials, primarily those in the issuances of the mayor’s permit, the BPLO certificates – the business permit so to speak,’’ ayon kay Dir. Winston Casio, Spokesperson, Presidential Anti-Organized Crime Commission

Apat na POGO hub ang sunud-sunod na ni-raid ng PAOCC sa nasabing lungsod nitong mga nakaraang linggo.

‘’The very first raid that we conducted was SA Rivendell that was in P. Zamora; the second was Zun Yuan Technology that is in corner FB Harrison and William Street, also in Pasay. We also conducted a raid in Kimberhi Technology. We also conducted lately a raid inside Heritage Hotel in Pasay,’’ saad ni Casio.

Sa ngayon, wala pang conclusion ang PAOCC, DOJ at DILG ngunit may case build-up na raw laban sa LGU ng Pasay.

May sagot naman dito ang lokal na pamahalaan ng Pasay City.

Sa inilabas na statement nitong Huwebes, mahigpit na kinokondena ng lokal na pamahalaan ang anito’y mga iresponsableng pahayag ni Director Casio; Hindi raw ito makatarungan at sumisira pa raw sa reputasyon ng mga opisyal ng lungsod.

Sinabi naman ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na ang lokal na pamahalaan ay nagpatupad na at patuloy na magpapatupad ng mga mahihigpit na hakbang para masugpo ang operasyon ng POGO sa kanilang mga nasasakupan.

Nilinaw din ng alkalde na ang Pasay City ay nagbigay ng mga business permit sa mahigit labintatlong libong (13,000) establisyimento ngayong taon kung saan lahat ay sumailalim sa masusing pagsusuri.

Binigyang-diin ni Calixto-Rubiano na wala silang ibinigay na business permits sa anumang POGO.

Salaysay pa nito, ang kamakailang ni-raid na mga pasilidad ng POGO ay maingat na nagpapatakbo sa mga tagong lokasyon. Ang mga pasilidad na ito’y hindi nag-o-operate sa ilalim ng anumang business license na inisyu ng Pasay City.

Sa huli, iginiit ng alkalde na ang Pasay City ay may zero-tolerance policy sa mga operasyon ng POGO at bawal aniya ang POGO sa kanilang lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble