MAY mensahe si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga natitirang miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Bagong taon, bagong buhay – ito ang pinakapayak na mensahe ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa unang episode ngayong taon ng kanyang programang Powerline nitong Martes, Enero 3.
Naging partikular ang mensahe ng butihing Pastor para sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kasunod na rin ng pagpanaw ng kanilang lider na si Jose Maria Sison nitong nakaraang buwan.
“Kaya kayong mga nalinlang ng ideolohiyang pang-Satanas na ito. Sumuko na kayo. Magbagong buhay na kayo. Bagong taon, bagong buhay,” ayon kay Pastor Apollo.
Ani Pastor Apollo, tulad ng kanilang teroristang pinuno, kamatayan lamang ang kanilang pupuntahan.
Ang mas masaklap pa rito’y impyerno rin ang kanilang pupuntahan.
“Kaya magsilayas na kayo sa Satanas na grupong CPP-NPA-NDF na yan. Wala kayong mapapala diyan. Kamatayan ang mapapala niyo riyan. Kayong mga kadre-kadre, tingnan niyo ang buhay niyo, impyerno. Impyerno na nga ang buhay niyo sa lupa, pagkamatay ninyo impyerno pa rin kayo. Di ba lugi kayo? Both worlds? Sa physical at spiritual worlds,” paliwanag ng butihing Pastor.
Ibinahagi naman ni Pastor Apollo na marahil na nag-umpisa sa magandang adhikain ang mga nasabing grupo ngunit sa kalauna’y naging bandido at tulisan na lamang ang mga ito.
“Alam ninyo, siguro sa pasimula, ang adhikain ninyo, tama, yung nasa ninyo para sa Pilipinas, tama. Pero katagalan, naging bandido na kayo, naging tulisan na kayo, naging mamamatay tao na lang kayo, naging extortionist na lang kayo. You degraded yourself into that kind, pagkatapos, pera-pera na lang sa inyo. Kaya naging walang hiya kayo. Kaya hindi kayo pagpapalain ng Panginoong Diyos,” ani Pastor Apollo.
‘’Ang ayaw ko sa inyong CPP-NPA-NDF, itong armadong grupo ninyo, sabi niyo ililigtas ninyo ang Pilipinas, tinutulungan niyo ang dukha, pinapatay ninyo. Wala kayong awa,’’ saad nito.
Samantala, bilang isang espirituwal na lider, ipinaliwanag ni Pastor Apollo, ang tunay na daan upang makamtan ang kapayapaan.
“Ang sikreto lang ng kapayaan ng mundo ay yung pagbabago ng tao sa loob. Yung tinatawag kong spiritual revolution. Kung wala yun, wala yung spiritual revolution, kahit anong edukasyon mo, kahit ano pang PHD mo, kahit ano pang DDD mo, hindi ka pa rin nagbago sa loob, may Satanas pa ring naghahari sayo, magkakagyera’t magkakagyera, kasi ano? May pride of life. Ang kasalanan tatlong bahagi yan, lust of eyes, lust of the flesh, and pride of life. Ang gyera ay hindi mawawala dahil sa pride of life,” ayon kay Pastor Apollo.
Binigyang-diin ni Pastor Apollo, ang rebolusyong kanyang pinangungunahan ay isang espirituwal na laban.
“Kaya dito sa Bansang Kaharian, pag pumasok ka, babaguhin ang loob mo. Yun ang spiritual revolution. Ang rebolusyon is overthrowing a former government and replacing it with a new a government. Ito lang gobyerno namin dito hindi physical, nagpapasimula sa spiritual kaya we are governed by the laws of a higher world. The laws are written in our hearts and in our minds. Pag nagbago ang tao sa puso niya, sumuko siya, “Ama, hindi na ang kalooban ko ang matutupad kundi ang sa Iyo na.” Eh itong mga batas na ng Diyos ang isusulat na sa puso’t isipan mo. You will not hate anyone. Hindi ka na magkakaroon ng hatred. Ang hatred mo sa masamang gawa na lang, pero ang kabutihan ang maghahari sayo,” saad ng butihing Pastor.
Ani Pastor Apollo, tanging ang tunay na pagbabago sa sarili gamit ang mga Salita ng Diyos ang siyang magpapanday ng tunay na kapabayaan sa buong bayan.
Kaugnay rito, inihalimbawa naman ni Pastor Apollo ang Kingdom of Jesus Christ o ang Bansang Kaharian na kanyang pinamumunuan bilang isang modelo ng tunay na kapayapaan.
‘’Punta kayo sa Bansang Kaharian, makita niyo rito ang pagkakapatirang totoo, sapagkat lahat rito na nanatili ay nagbago ang kanilang kalooban. Nagbago ang kanilang mentalidad at espiritu, kaya walang away dito. Kapag nakikipag-away ka rito, labas ka. Bagong sanlibutan ito eh. Ito ang gusto ng Diyos na lumaganap sa buong mundo,’’ ani Pastor Apollo.