NAGSILBING instrumento upang mamulat ang kabataan hinggil sa panlilinlang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito ang sinabi ni Rupert Musni, Kingdom of Jesus Christ Youth Minister, sa panayam nito sa programang Laban Kasama ang Bayan.
Ayon kay Musni, kundi dahil sa butihing Pastor ay hindi malalaman ng kabataan gaya niya na kaanib pala ng CPP-NPA-NDF ang ilang organisasyon para sa kabataan gaya ng College Editors Guild of the Philippines, League of Filipino Students at iba pa.
Ani Musni, kung alam lang nito na ang pakikisapi sa naturang organisasyon ay isang pagsuporta sa komunistang teroristang grupo ay hindi na sana ito umanib pa.
Samantala, hinggil sa pagprotesta ng ilang kabataan sa New York City noong pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ayon kay Musni unethical na ang ‘democratic’ expression na ito ng kabataan.
Kaya naman mahalaga aniya ang pagsusulong ni Pastor Apollo sa intelligent at intellectual democracy.
Kaugnay nito, hinikayat ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kabataan na sumali sa Keepers Club International at hindi sa makakaliwang grupo.
Ayon sa National President ng Keepers Club International na si Geraldin Dandan, pangunahing programa at layunin ng Keepers Club International ay maging boses para sa kabataan upang isiwalat ang katotohanan sa likod ng mapanlinlang na CPP-NPA-NDF.
Layunin din ng Keepers Club International na ibahin ang mentalidad ng kabataan mula sa ‘nation-destruction’ at makatulong ang mga ito para sa nation-building.
Samantala, para sa mga nais sumali sa Keepers Club International maaaring magpadala ng e-mail sa [email protected] at mensahe sa official facebook page nito sa facebook.com/keepersclubinternationalofficial.