Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagang tutukan ng bansa ang pagtugon sa epekto ng climate change

Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagang tutukan ng bansa ang pagtugon sa epekto ng climate change

NANAWAGAN si Pastor Apollo C. Quiboloy na dapat nang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagtugon sa epekto ng climate change.

‘’Ito namang mga iba pilit nilang sinisira ang kalikasan, ito dapat ang ipamulat at ang gobyerno dapat ang umuna, gawin na natin ang dapat nating gawin,’’ ani Pastor Apollo.

Ito ay kasunod ng panawagan d

in ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan para sa agarang implementasyon ng mga programang mangangalaga sa kalikasan ng bansa.

Ayon naman sa butihing Pastor, noon pa ito sinasabi ng gobyerno ngunit wala namang malinaw na aksyon, kaya hiling naman ni Pastor Apollo.

‘’Mula’t mula pa ganyan na ang sinasabi ng pamahalaan, wala namang ginagawa. Kailangan ngayon gawa, gawin na natin, ‘yung alam natin kung ano ang dapat gawin sa kalikasan kasi apektado na tayo ng climate change, nandiyan na yung global warming. Climate change kita ninyo? Baha dito, baha doon. At lahat ng sakuna nangyayari na dahil sa climate change,’’ saad nito.

Ani Pastor Apollo, taong 2005 pa nang makita niya ang posibleng epekto ng climate change kaya nagsulong agad siya ng aksyon para dito.

‘’Tayo nakikita na natin ‘yun 2005 pa kaya ginawa na natin, hindi na tayo nagsalita nang nagsalita, ginawa na natin ang dapat nating magawa to mitigate climate change, pagtatanim ng napakaraming mga puno kahit saan, kahit hindi ating mga lugar tinataniman na natin para makatulong tayo sa ating mga kababayan,’’ ayon sa butihing Pastor.

Samantala, kaugnay naman sa nangyaring lindol sa Turkiye at Syria, inihayag ni Pastor Apollo na dapat ay walang substandard na gusali na maaprubahan para maiwasan ang ganitong uri ng sakuna sa bansa.

‘’Kailangan talaga na i-review lahat iyan at walang substandard na dapat aprubahan, kailangan earthquake proof ang mga building para maiwasan ang ganitong sakuna, kung mangyari man ang lindol eh walang namamatay na ganito karami. Nakakaawa,’’ paliwanag ni Pastor Apollo.

Sa ngayon ay higit 36 na libong katao na ang naitalang nasawi sa paglindol sa Turkiye at Syria habang libu-libo naman ang sugatan at kasalukuyang nasa ospital.

Follow SMNI NEWS in Twitter