Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na ‘King of Peace’ ng isang award giving body

Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na ‘King of Peace’ ng isang award giving body

NITONG Biyernes ng gabi sa Okada Manila, iba’t ibang parangal na naman ang iginawad kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Sa ginanap na Nation Builders and Mosliv Awards 2023, kinilala si Pastor Apollo bilang Spiritual Leader with Strong Advocacy for Peace and Nation-Building of the Year.

Ayon sa award-giving body na Sustainability Standards Inc., napagdesisyunan ng Council na igawad ang parangal kay Pastor Apollo, dahil sa natatanging kontribusyon niya sa Pilipinas.

Kinilala pa ni Karl Stuart McLean, chairman ng Sustainability Standards, Inc., si Pastor Apollo bilang ‘King of Peace’ ng isang award-giving body dahil sa pagsusulong nito ng kapayapaan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“Peace is also very important. We want peace. Look at Ukraine. Look at Mexico. We need peace here. And Quiboloy has always been after peace. He doesn’t like war. He doesn’t do anything like that. He wants peace. So he is one of the out spokespersons as far as peace is concerned. Nation-building is not only about cleaning, it’s always about peace. And he is really our king of peace,” saad ni Karl Stuart McLean, Chairman and Publisher, Sustainability Standards, Inc.

 “He gets across to all people. He does amazing coverage. And that’s very good. I think this is very important,” dagdag ni McLean.

SMNI at SMNI Foundation Inc., pinarangalan sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023

Pinarangalan din ang Sonshine Media Network International bilang Certified Most Sustainable and Reliable News Channel at ang SMNI Foundation Inc. bilang Most Exceptional Humanitarian Foundation.

“Because you push these issues. You push these points in your programs. You push sustainability. You push peace. All of these nation-building areas. And we need to get out there. The world needs it now, the LGUs would do that. But Quiboloy got a much bigger base. It is more of a country-wide base. So he can push it through nations,” ayon pa kay McLean.

Pastor Apollo at SMNI News Channel, patuloy na kinikilala

Bilang Spiritual Leader ng Kingdom of Jesus Christ, si Pastor Apollo ang nangunguna sa espirituwal na pangangalaga sa pitong milyong miyembro nito sa buong mundo.

Pero bukod dito, kilala rin si Pastor Apollo bilang isang philanthropist, humanitarian, environmentalist at isang tunay na nation-builder na sumusulong sa interes ng Pilipinas.

Kilala rin ang butihing Pastor na nangunguna sa pagsulong ng kapayapaan hindi lamang sa bansa kundi sa maging buong mundo.

Matatandaan, inilaan din ng butihing Pastor ang SMNI para sa nation-building at sa paghahatid ng totoo at walang pinapanigan na balita.

Sa pamamagitan din ng SMNI, nagagabayan ni Pastor Apollo ang mga Pilipino tungo sa pagiging maka-Diyos, maka-tao at maka-bansa.

At ngayon, ang SMNI ay isa na ngayong multi-awarded na media company na itinuturing na pinakapinagkakatiwalaang media sa Pilipinas.

Itinatag din ng butihing Pastor ang iba’t ibang humanitarian organization na nangunguna sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Isa na rito ang SMNI Foundation na agad rumeresponde at naghahatid ng tulong sa mga kababayan natin na biktima ng sakuna at kalamidad.

Dito naipakita ni Pastor Apollo ang kaniyang malawak na pagmamahal sa kapwa kung saan wala siyang tinitingnang relihiyon, lahi o estado ng buhay sa pagtulong sa oras ng pangangailangan.

At dahil sa mga napagtagumpayan ng butihing Pastor, ng SMNI, at ng SMNI Foundation Inc. sa mga nakalipas na taon at sa mga mahahalagang kontribusyon sa Pilipinas, kinilala ang mga ito sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023.

“Kasama po talaga tayo sa SMNI Family because we believe kay Pastor, we believe in everything that he does. And sinimulan niya ito at nakita po natin na marami po siyang tinutulungan sa lahat ng other shows, sa lahat ng other awardees also who is part of the SMNI Family. And this is something that, it is very fulfilling talaga to be part of this family, to be part of something great, something that we push for. And nirerecognize po ng mga tao yung talagang vision na sinimulan ng ating mahal na Pastor,” pahayag ni Congresswoman Migs Nograles, Representative, PBA Party-list.

“Congratulations kay Pastor Apollo Quiboloy at ang SMNI. At alam ko pong marami rin kayong pinaglilingkuran at paglilingkuran pa ang buong sambayanan. Congratulation,” pagbati naman ni Senator Francis Tolentino.

“Kay Pastor Quiboloy, congratulations at alam kong matagal niyo nang ginagawa ‘tong mga proyekto pra sa kalikasan at marami kayong proyekto pra lalo tayong magkaroon ng sustainable future,” pagbati rin ni Senator Win Gatchalian.

“Pastor thank you for your help and we will try to help this country become a clean country with renewable energy, as peace loving, caring nation. Peace to everybody. Thank you,” saad ni Mclean.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter