Pastor Apollo, nagpasalamat kay PBBM dahil sa pananatili ni BuCor Chief Bantag sa puwesto

Pastor Apollo, nagpasalamat kay PBBM dahil sa pananatili ni BuCor Chief Bantag sa puwesto

PINASALAMATAN ni  Pastor Apollo C. Quiboloy si Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. dahil sa re-appointment o pananatili ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa puwesto.

Si Bantag ay unang na-appoint bilang hepe ng BuCor sa panahon ng panunungkulan ni  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang BuCor ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice (DOJ) kung saan nasa superbisyon at kapangyarihan nito ang pangangasiwa ng 7 prison facility sa bansa kasama na ang pinakamaking kulungan sa buong Pilipinas- ang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa NBP kinukulong ang mga indibidwal na nakagawa ng matitinding krimen tulad na may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa live Thanksgiving and Worship Presentation (TWP) Program ni Pastor Apollo noong Linggo, sinabi nito na kailangan ng bansa ang mga lider na tulad ni Bantag sa mga crucial na posisyon.

Bago naman ito, ay ilang beses nang dumalaw si Bantag kay Pastor Apollo sa Headquarter ng KJC sa Davao City.

Ito ay noong birthday ni Pastor Apollo  noong Abril 25 at noong Hulyo 11 araw ng Lunes kung saan ay nakasama ito ni Pastor  Apollo sa isang dinner.

Matatandaan si Bantag ay naging jail warden sa Muntinlupa at Manila City Jail bago naging BuCor Chief nang palitan nito si Nicanor Faeldon noong taong 2019.

Sinasabi naman ng ilan sa mga napagtagumpayan ni Bantag sa kaniyang mga unang mga taon sa BuCor ay ang demolisyon ng mga kubol sa loob ng Maximum Security Compound sa NBP.

Sa mga kubol kasi naikukubli ang mga kontrabando tulad ng cell phone at mga improvised deadly weapon.

Follow SMNI News on Twitter