SA kanyang live Powerline program ngayong araw, sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa publiko na mag-ingat sa tatlong natitirang party-list organization ng CPP-NPA-NDF na Kabataan, Gabriela, at ACT Teachers (KAGAT).
“Ito, meron pa eh, itong Kabataan na ‘to at saka itong Gabriela. Nilagay ko na ‘yan ah. Kabataan, Gabriela, ACT Teachers —KAGAT. Umiwas sa KAGAT ng Komunistang Teroristang Grupo,” pahayag ni Pastor Apollo.
Panawagan ni Pastor Apollo na huwag nang ibalik sa kapangyarihan ang mga nabanggit na grupo.
Gaya ng nangyari sa iba pang makakaliwang party-list na natalo sa nagdaang eleksyon dahil sa massive information campaign ng pamahalaan at ng private stakeholders laban sa mga ito.
“Wag na natin ibalik ‘yan kasi ‘yan ang nagpapalakas sa kanila. At ngayon, ganyan ang ginagawa nila for 53 years. Ganoon din sa droga,” ayon sa butihing Pastor.
Bukod sa NPA problem ng bansa, binigyang-diin ng butihing Pastor ang salot sa problema sa iligal na droga at korupsiyon na dapat masugpo ng pamahalaan.
Kaya hangad nito ang tagumpay ng Marcos administration sa mga nabanggit na hamon.
“Talagang we will not use kid’s glove in dealing with these. That’s why we’re praying that our government as strong as it could be for the protection of our economy, for our people is always there. At asahan natin na sa pagpapasimula ng Marcos Administration, alam ko, kahit tahimik ang ating Pangulo patungkol dito, pero alam kong matindi siya sa batas sa pagpapatupad nito, kaya ipanalangin natin ang ating bansa,” pahayag ng butihing Pastor.
Samantala, welcome development naman kay Pastor Apollo ang pahayag ng bagong AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro na isaprayoridad ang pagpapaigting ng AFP Modernization Program.
“Magaling talaga. Talagang dapat ipagpatuloy ‘yun kasi ‘yan ang depensa natin. Mahalagang-mahalaga na ipagpatuloy ‘yung ginawa at napasimulan na ng ating Pangulong Duterte sa modernization. Kailangan i-prioritize talaga ‘yan,” ani Pastor Apollo.