Pastor Apollo Quiboloy at former Pres. Rodrigo Duterte, sabay nag-motorbike sa Davao del Sur

Pastor Apollo Quiboloy at former Pres. Rodrigo Duterte, sabay nag-motorbike sa Davao del Sur

NAGKITA muli ang matalik na magkaibigan na sina Pastor Apollo C. Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Davao City, kung saan sabay silang nag-motorbike papuntang Davao del Sur.

Kasabay nina Pastor Apollo at dating Pangulong Duterte sa nasabing motorbike ang ilang opisyal kabilang na sina Sen. Christopher Bong Go, former Dir. Gen Alex Monteagudo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Director Joseph Orilla ng Department of Agrarian Reform Region XI, Commissioner Karlo Bello ng Securities and Exchange Commission at ang businessman na si Larry Yap.

Ang ruta nila ay patungong Sta. Cruz, Davao del Sur upang dalawin ang namayapang ina ni Sen. Ronald dela Rosa, na pumanaw kamakailan lamang.

Matapos makiramay ay balik-Davao City na sina Pastor Apollo at dating Pangulong Duterte kung saan nag salo-salo sa KJC Compound ang mga ito sa isang simpleng hapunan.

Follow SMNI NEWS in Twitter