NAKAHANDANG dumepensa si Forensic Pathologist Raquel Fortun sa kanyang naging findings hinggil sa pag-autopsy ng itinuturong middleman ng Percy Lapid na si Crisanto o Jun Villamor.
Matatandaang October 29 nang inilabas ni Fortun ang resulta at sinasabi niyang namatay si Villamor dahil sa kawalan ng hangin o pagkahilo.
Aniya, plastic bag ang ibinalot sa ulo ni Villamor kung kaya’t nawalan na ito ng hangin.
Nakakita pa aniya siya ng hemorrhage sa baga ni Villamor, isang senyales na nahirapan itong huminga bago mamatay.
Dagdag pa nito, homicide ang uri ng pagkamatay ng itinuturong middleman.