NAGBAKASYON sa kaniyang trabaho si Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano dulot ng personal na dahilan.
Ito ang ipinahayag ni Communications Secretary Cheloy Garafil nitong Miyerkules, Hulyo 26, 2023.
Nag-leave si Soriano dahil sa inaasahang panganganak ng kaniyang asawa para sa kanilang 2nd child.
Si Soriano ang unang nag-direk sa unang State of the Nation Address (SONA) at unang 100 days recap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Naging masugid ding tagasuporta si Soriano at kaniyang maybahay na si Tony Gonzaga ng Pangulo simula ng bise gobernador pa si Marcos.