Kinumpirma nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na walang pipirmahang kasunduan sa ilalim ng Pax Silica initiative sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.
Gayunman, inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ang legal framework ng naturang inisyatiba bago matapos ang 2026.
Layunin ng US-led initiative na bumuo ng supply chain para sa mahahalagang mineral at teknolohiyang ginagamit sa artificial intelligence at semiconductors.
Itatayo sa New Clark City, Tarlac ang pasilidad na nakatuon sa pagproseso ng mga mineral at paggawa ng high-tech components.
Samantala, nagdulot ng mga protesta ang nakatakdang pagbisita ni Trump, kabilang ang pagtutol ng ilang grupo sa nasabing proyekto.
