Maymay Entrata, kasali sa bagong Asian game show na “Hong Kong Unlocked”

Maymay Entrata, kasali sa bagong Asian game show na “Hong Kong Unlocked”

Tampok ang aktres na si Maymay Entrata sa anim na episode ng game show na “Hong Kong Unlocked” na magsisimulang mapanood sa Disyembre.

Makakasama ni Maymay ang mga personalidad mula Indonesia, Malaysia at Singapore sa paggalugad sa mga sikat at hindi gaanong kilalang lugar sa Hong Kong.

Haharapin din ng apat na cast member ang iba’t ibang hamon upang tuklasin ang mga kuwento at misteryo sa likod ng kultura ng lungsod.

Sa unang episode, bibisitahin nila ang Avenue of Stars at susubukang tuklasin ang makasaysayang pamana ng Hong Kong cinema.

Follow SMNI NEWS in Twitter