Tinawag ni Vice President Sara Duterte na malalim nang nakaugat sa sistema ng pamahalaan ang korapsiyon na patuloy na humahadlang sa pag-unlad ng bansa.
Sa kaniyang mensahe sa 52nd Philippine Business Conference and Expo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), sinabi ni Duterte na ang mamamayang Pilipino ang higit na nagdurusa sa epekto nito.
Nanawagan din ang bise presidente sa publiko na tumulong sa pagbuo ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa batas, pagtanggi sa korapsyon at paghingi ng pananagutan sa mga namumuno.
Binigyang-diin ni Duterte na hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan ang nation-building kundi tungkulin din ng bawat mamamayang Pilipino.
