Mahigit 1,000 kilo ng ilegal at hindi ligtas na karne, nasamsam sa Nueva Ecija

Mahigit 1,000 kilo ng ilegal at hindi ligtas na karne, nasamsam sa Nueva Ecija

Nasamsam ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mahigit isang toneladang undocumented at hindi ligtas na karne sa mga pampublikong pamilihan sa Gapan at Cabanatuan, Nueva Ecija.

Aabot sa P203,928 ang halaga ng mga nakumpiskang produkto na may kabuuang timbang na 1,019.6 kilo.

Kabilang dito ang hindi rehistradong frozen meat, maling naimbak na karne at mga produktong hindi na angkop kainin.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Dinala ang mga nakumpiskang karne sa isang kinikilalang rendering facility sa Porac, Pampanga para sa wastong disposisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter