Inirekomenda ng Philippine police ang pagsasampa ng tatlong kaso laban kay Thomas Markle, ama ni Meghan Markle, dahil sa umano’y pag-iingat at pamamahagi ng child sexual abuse materials.
Inihain nitong Lunes sa Cebu ang reklamo na kinabibilangan ng dalawang counts of distribution at isang count of possession ng naturang materyales.
Ayon kay Regional Prosecutor Graeme Elmido, sasailalim muna sa preliminary evaluation ang mga reklamo bago maglabas ng subpoena kung sapat ang ebidensya para sa pormal na imbestigasyon.
Nauna nang iniulat ng pulisya na nakarekober sila ng mga naturang materyales mula sa tatlong memory card at isang cellphone na natagpuan sa umano’y dating tirahan ni Markle sa Cebu.
Nahaharap din si Markle sa kaso sa United States matapos siyang arestuhin sa Florida noong Nobyembre 6 dahil sa umano’y pag-iingat ng child sexual abuse materials.
Itinanggi ni Markle ang lahat ng paratang laban sa kaniya.
