TIYAK na epektibo sina President-elect Bongbong Marcos at Vice President Inday Sara Duterte sa kani-kanilang ahensya na hahawakan.
Ito ang paniniwala ni Muntinlupa City Mayor-elect Cong. Ruffy Biazon sa panayam ng SMNI News hinggil sa pagiging Department of Education (DepEd) Secretary ni VP-elect Sara at sa Department of Agriculture (DA) si PBBM.
Lalo na aniya ngayong may krisis, magandang mismo ang pangulo ng bansa ang tututok sa agrikultura at maiwasan ang burukrasya.
Hinggil naman sa suhestiyon ni VP-elect Inday Sara na ibalik at gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), sinabi ni Biazon na malaking advantage ito para sa mga kabataan.
Marami aniyang matututunan sa programang ito na ikabubuti ng isang mag-aaral.
Ani Biazon, maganda at matutukan ang pagpatatakbo nito upang maiwasan ang iilang pang-aabuso na nangyayari.