NASA bansang Indonesia si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa kauna-unahang state visit kasunod sa imbitasyon sa kaniya ni Indonesian President Joko Widodo.
Ngayong araw, inaasahan ang pagkikita ng dalawang lider para talakayin ang mga usapin na mahalaga sa pagitan ng dalawang bansa.
“I will meet with President Widodo and we will strengthen further ang ating bilateral relationship and partnership na 73 years na tayo na magka-partner ng Indonesia at pag-uusapan namin sa ating dalawang bansa kung papano tayo magtutulungan sa bagay bagay ng security, defense, trade and investment at saka kultura. At patitibayin pa natin ang tinatawag na people to people ties na dinadaan natin thru tourism and business travel,” pahayag ni Pangulong BBM.
Inaasahan din ang paglalagda ng ilang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia na sasaksihan nina Marcos at Widodo.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang mga kasunduang lalagdaan ay may kinalaman sa plan of action na siyang magsisilbing gabay para sa nalalapit na anibersaryo ng diplomatic ties sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.
Ilan din sa mga kasunduan na lalagdaan ay may kinalaman sa defense cooperation, maritime cooperation, economic cooperation at socio-cultural at people to people exchanges.
“For defense and military cooperation, it will be the signing of the renewal of the 1997 Defense and Security Cooperation Agreement. There will be dialogues on training, intelligence exchanges, high level visits, logistics and procurement. Meantime there will be talks also on maritime cooperation and border issues primarily the limitation of the continental shelf, possible review of border agreements, fisheries and IUUF,” pahayag ni Cruz-Angeles.
Dagdag ng Press Secretary, magiging sentro din ng usapin at magkakaron ng kasunduan sa paglaban sa transnational crime.
“On transnational crimes, it will be again on the rescue of the abducted Indonesians, the neutralization of Indonesian terrorists in the Jolo bombing and conferment of medal of peace on armed forces officials and the trilateral cooperation agreement,” ayon sa Press Secretary.
Ani Angeles, posible rin na matalakay sa pagkikita ng dalawang lider ang usapin na may kinalaman sa West Philippines Sea, Ukraine conflict, Myanmar and Asian centrality at Indonesia’s G20s presidency.
Samantala, ipinapaubaya ng Palasyo at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagtugon kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Si Veloso ay 12 taon nang nasa death row ng bansang Indonesia dahil sa kaso ng illegal drugs.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople, ang DFA ang nakakaalam sa kaso ni Veloso kaya dapat aniya ang DFA ang magsalita kaugnay dito.
“So by agreement it will be the DFA will be taking the lead primarily for two reasons: it has institutional memory and knowledge from the start of the case until today and second and I am pretty sure Secretary Trixie will agree with me on the importance of speaking with one voice on a case that has such very sensitive dimensions as the case of Mary Jane Veloso, so the DMW will defer to the DFA and I am sure that Sec. Manalo will only be, he will be at the appropriate time open to saying more about this case,” pahayag ni Ople.
Lilipad naman patungong Singapore si Pangulong Marcos pagkatapos ang state visit nito sa Indonesia kung saan magkakaroon ito ng pagpupulong kina Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong.