UMALIS na ng bansa si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. para sa unang state visit nito sa Beijing, China, kasunod ng imbitasyon sa kaniya ni Chinese President Xi Jinping.
Para sa Marcos administration isang mahalagang biyahe ang unang state visit ng Chief Executive sa China.
Para sa pamahalaan, malaki ang pakinabang ng Pilipinas sa China na siyang kasalukuyang pinakamalaking trading partner, pangunahing pinagkukunan ng development assistance at pumapangalawang source ng tourist arrival.
Mga inisyatibo sa agrikultura, enerhiya, at imprastruktura, prayoridad ni PBBM sa state visit sa China
Ayon kay Pangulong Marcos, sa kaniyang 48-hour visit sa People’s Republic China, nais nitong isentro ang mga mahahalagang inisyatibo na mahalaga para sa Pilipino.
“As I leave for Beijing, I will be opening a new chapter in our comprehensive strategic cooperation with China. We will seek to foster meaningful relations and broaden our cooperation in various areas such as agriculture, energy, infrastructure, science and technology, trade and investment, and people-to-people exchanges, amongst others,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Dagdag ng Pangulo, na kaniyang inaabangan ang nakatakdang bilateral meeting nila ni Chinese President Xi na layong mapaigting ang relasyon ng dalawang bansa na magdudulot ng maraming oportunidad para sa parehong panig.
PBBM tatalakayin ang ‘political security issues’ kay Chinese President Xi
Tatalakayin din sa China ang usapin ng political security at maresolba ang anumang problema bilang magkaibigan.
“I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
“In this regard, I also look forward to discussing political-security issues of a bilateral and regional nature. The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as Philippines and China.
We will seek to resolve those issues to mutual benefit of our two countries,” aniya pa.
Mahigit 10 bilateral agreements lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China
Inaasahan ng Marcos administration na magreresulta ang state visit ng Pangulong Marcos sa pamamagitan ng paglalagda ng mga mahahalagang bilateral agreements
“In this upcoming visit, we expect to sign more than 10 key bilateral agreements to add to the over 100 agreements we already have with China,” saad ng Pangulo.
Isusulong din ng Chief Executive ang makapanghikayat ng maraming Chinese tourist ang mga dati nang mga nag-aaral at mga dati nang namumuhunan sa Pilipinas.
Samantala, maliban sa mga cabinet secretaries ay kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos ang ilang miyembro ng pribadong sektor na tutulong para makapanghikayat ng maraming investment sa bansa.
“As with my previous state visits last year, we will continue to pursue initiatives in the priority areas that we have identified: the agricultural sector; the guarantee of food supply; the guarantee of prices — of food prices that are affordable to all Filipinos; our long-term strategies and plans on energy, particularly renewable energy; and our long-term plans for our nation’s emergence into the new global, sustainable digital economy,” ayon kay Pangulong Marcos.