PBBM, dapat manatiling Agriculture Secretary—Arranza

PBBM, dapat manatiling Agriculture Secretary—Arranza

DAPAT manatili si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ayon kay Federation of Philippine Industries (FPI) chairman Jesus “Mang Jess” Arranza.

Sa programa ng SMNI News, sinabi ni Arranza na kung si Pangulong Marcos ang mamumuno sa DA ay matututukan nito ang mahahalagang programa ng kagawaran.

Ayon kay Arranza, umaasa siya na kabilang sa mabibigyan ng prayoridad ang paggawa ng post-harvest facilities.

Gayundin ang pagkakaroon ng food terminal para sa agricultural products ng mga magsasaka.

Samantala, nanawagan si Arranza na mabigyan ng atensiyon ni Pangulong Marcos, ang usapin sa inflation rate sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

 

Follow SMNI on Twitter