PBBM, ibinahagi ang mga natutunan sa ASEAN Summit

PBBM, ibinahagi ang mga natutunan sa ASEAN Summit

SA unang pagkakataon ay dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN Summit.

Para kay Pangulong Marcos, maraming pagkakapareho ang mga bansa sa ASEAN pagdating sa kinakaharap na problema.

Ito ang kaniyang ibinahagi sa Malacañang Press Corps bago ito humarap sa Filipino community at bumalik sa Pilipinas.

“What I learned in this, having attended this ASEAN Summit is that marami talagang commonalities ang bawat bansa which is should not really be surprising, considering that we’re all around, we’re all from the same area,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo sumentro ang usapin ng mga ASEAN leader sa usapin ng pagbangon mula sa pandemya at kung paano tutugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

“So they’re very many similar problems. Of course. And we talk always about recovering from the pandemic economy. We talked about preparing for the next pandemic. What do we about scarcity of let’s say, rather the prices of food, of fertilizer, energy? What are we going to do about it? What can we do about it? How do we get around it? Kung ano ‘yung mga joint na pwedeng gawin para to alleviate some of the difficulties that everybody is going through,” aniya.

Dagdag ng Pangulo, tinalakay rin ang nararanasang inflation ng mga bansa at kung papaano tutulungan ang mga Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs).

Ilan din sa tinalakay ng mga pinuno ng bansa sa ASEAN ay ang nagpapatuloy tensyon sa pulitika sa buong rehiyon.

Kabilang dito ang banta ng paggamit ng nuclear weapon ng North Korea.

Kaugnay rito, ipinanawagan ng ASEAN leaders, kabilang na si Pangulong Marcos, sa denuclearization ng North Korea.

Naging sentro din sa pagpupulong ang lumalalang tensiyon sa Taiwan Strait at krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

Follow SMNI News on Twitter