PBBM, ibinasura ang panukalang total deployment ban sa Kuwait

PBBM, ibinasura ang panukalang total deployment ban sa Kuwait

IBINASURA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang panukalang total ban ng pagpapadala ng Filipino workers sa Kuwait at sinabing ”overreaction” o sobra ito dahil lamang sa pagsuspinde ng visas ng mga bagong OFWs.

Ani Pangulong Marcos, ayaw niyang magsunog ng tulay o koneksiyon dahil baka sa hinaharap ay magbago na ang sitwasyon at maaari nang magpadala ng mga manggagawa sa Kuwait.

Dagdag ni Pangulong Marcos, ang tamang reaksiyon ay tanggapin ang desisyon ng Kuwaiti government na hindi na magbigay ng bagong visa dahil sa bansa at patakaran nila ito at umasa na lamang na makapag-ayos pa ang Pilipinas dito.

Matatandaan na nitong buwan lamang nang magpatupad ng entry ban ang pamahalaan ng Kuwait sa mga manggagawang Pinoy nang walang resident permit dahil umano sa hindi pagsunod ng Pilipinas sa labor agreement.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter