PBBM, kinilala ang kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya

PBBM, kinilala ang kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya

KINILALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mahalagang kontribusyon ng overseas Filipinos workers sa ekonomiya ng bansa.

Kasunod ito ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Filipino community sa Estados Unidos nitong Setyembre 18.

Ayon sa Office of the Press Secretary, umabot sa halos 40% ng remittances sa Pilipinas noong 2021 ay mula lang sa US at nakapagtala pa ng 5.1% increase mula noong 2020.

Base pa sa datos, nakapag-remit ang mga Pinoy sa US ng P7.5 billion nitong Enero hanggang Hulyo ngayong 2022.

Bilang pagpupugay sa Filipino frontliners sa Estados Unidos, kinilala at pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang presensya, partikular ng mga guro, healthcare workers, emergency response workers at service employees na nasa naturang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter