NAGBIGAY na ng “go-signal” si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagsasaliksik sa wind power bilang alternatibong energy source.
Binigyan ng Pangulo ang Department of Energy (DOE) ng greenlight para tuklasin at paunlarin ang offshore wind (OSW).
Saad ni Pangulong Marcos, potensyal ito bilang mapagkukunan ng malinis at sustainable energy ng bansa.
Una nang inatasan ng Chief Executive si DOE Secretary Raphael Lotilla at iba pang Energy officials na sumulong sa offshore wind energy production initiatives ng ahensya.