PBBM sa PNP: Huwag magpadala sa kritisismo at maging mahinahon sa pagpatutupad ng batas

PBBM sa PNP: Huwag magpadala sa kritisismo at maging mahinahon sa pagpatutupad ng batas

NAGPAALALA rin si President Ferdinand Marcos, Jr. sa mga kapulisan na maging mahinahon sa implementasyon ng batas at huwag kalimutang irespeto ang karapatan ng mamamayan.

Ang paalala ay ginawa ni Pangulong Marcos sa gitna ng pagpuna ng mga human rights defender kuno laban sa Pambansang Pulisya.

Sa gitna ng matagumpay na seremonya ng pagdiriwang ng ika-121 taong anibersaryo ng PNP Police Service, tiniyak ni Pangulong Marcos ang suporta nito sa mga programa ng PNP.

Kasunod nito ang mabigat at emosyonal na paalala ng Pangulo sa lahat ng kawani ng PNP na huwag pansinin at ikasama ng loob ang iba’t ibang hamon, problema, karanasan habang tumutupad ang mga ito sa kani-kanilang mga tungkulin.

Diin ng ng Pangulo, kailangan pa rin aniyang manaig ang pagpapakumbaba at pagmamahal sa bansa.

Sa kabila naman aniya ng mga pagkakataong sinusubok ang emosyon at pagtitimpi ng mga pulos laban sa mga kriminal at gumagawa ng kasamaan, ganito pa rin pinaalalahanan ng Pangulo ang tropa ng PNP.

Para naman sa PNP, mula noon hanggang ngayon hindi pa rin naman anila nagbabago ang kanilang panata sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Sa kabila anila ng pagbabago ng henerasyon, mas napaigting pa nito ang kanilang dedikasyon mula sa iba’t ibang hamon sa kanilang paglilingkod

Bagay na naging daan anila ito sa unti-unting pagkakasugpo sa mga problema ng bansa partikular na ang kasalukuyang pamamayagpag ng komunismo at terorismo.

Kasama na rin ang malaking kontribusyon ng PNP sa pagbaba ng bilang ng kriminalidad at iligal na droga sa bansa.

Sa ilalim ng temang Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran, muling nanindigan ang PNP na hindi ito magdadalawang isip na ipatupad ang batas at pagkondena sa mga maling pananaw lalo na’t kung nalalagay sa alanganin ang seguridad ng gobyerno.

Follow SMNI News on Twitter