PBBM, tiniyak na ‘di maaapektuhan ang working relationship kay VP Sara

PBBM, tiniyak na ‘di maaapektuhan ang working relationship kay VP Sara

MAKIKIPAG-usap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte para pag-usapan ang mga mahahalagang bagay.

Nabanggit ito ni Marcos sa sideline ng Town Hall Consultation kasama ang mga magsasaka at mangingisda sa Occidental Mindoro, araw ng Martes, Abril 23, 2024.

Sinabi ni Marcos na sinisiguro niya na hindi maapektuhan ang kaniyang working relationship kay VP Sara sa gitna ng mga personal na isyu sa pagitan niya at ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ipinahayag ng Pangulo na ang lahat ay nananatiling maayos sa pagitan niya at ng Education Secretary.

Muli ring ipinagtanggol ni Marcos ang bise presidente mula sa ilang panawagan na magbitiw ito sa kaniyang gabinete.

 

Binigyang-diin ni Marcos na mananatili ang pangalawang pangulo bilang Kalihim ng Edukasyon.

Idinagdag din nito na ang mga miyembro ng gabinete ay tatanggalin lamang sa kanilang puwesto kung sila ay hindi mahusay sa kanilang tungkulin o kurap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble