PCG Chief George Ursabia, nakahanda nang magretiro   

PCG Chief George Ursabia, nakahanda nang magretiro  

NAKAHANDA nang magretiro si Philippine Coast Guard (PCG) Command Admiral George Ursabia Jr. bukas Miyerkules, Setyembre 8, 2021.

Matapos ang 38 years serbisyo nito sa PCG, ay nakatakdang magsagawa ang ahensya ng turnover ceremony.

Apat naman ang nasa linya na posibleng pumalit kay Ursabia bilang pinuno ng PCG ang mga kapwa PCG Vice Admiral na sina Leopoldo Laroya, Eduardo Fabricante, Oscar Endona Jr. at Artemio Abu.

Samantala, ayon kay Spokesperson Commodore Armando Balilo ay nakapagsumite ng rekomendasyon  si DOTr Secretary Art Tugade kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa susunod na PCG commandant.