PCG, nakibahagi sa road clearing operation sa Gigmoto, Catanduanes

PCG, nakibahagi sa road clearing operation sa Gigmoto, Catanduanes

Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) sa road clearing operation sa Gigmoto, Catanduanes, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Pepito kahapon, ika-17 ng Nobyembre 2024.

Katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa naturang inisyatibo.

Nananatiling naka-alerto ang mga Deployable Response Group (DRG) ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL) upang agad na makapagbigay-tulong sa mga lugar na apektado ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble