PCO, may paalala sa publiko sa paggunita ng ‘Cervical Cancer Consciousness Month’ ngayong Mayo

PCO, may paalala sa publiko sa paggunita ng ‘Cervical Cancer Consciousness Month’ ngayong Mayo

INAANYAYAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na makiisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa sakit na cervical cancer.

Ito’y kasabay ng paggunita ng ‘Cervical Cancer Consciousness Month’ ngayong Mayo.

Pinapaalalahanan din ng PCO ang lahat ng kababaihan na regular na magpa-screening test, at maging bakunado laban sa human papillomavirus (HPV).

Ibinahagi rin ng PCO na ang cervical cancer ay pangalawa sa nangungunang kanser sa mga kababaihan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter