PDEA agent na nagtuturo kay PBBM sa isyu ng ilegal na droga, lumantad na

PDEA agent na nagtuturo kay PBBM sa isyu ng ilegal na droga, lumantad na

LUMANTAD na sa publiko ang dating investigation agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at team leader na nasa likod ng pre-operation report, order letter at authority to operate para hulihin ang artistang si Maricel Soriano at noo’y Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Sa pinakabagong video ng political vlogger na si Maharlika ay matapang na sinagot ng PDEA agent na si Jonathan Morales ang isyu na nag-uugnay kay Pangulong Marcos sa ipinagbabawal na gamot at inamin na siya ang pumirma ng nasabing mga dokumento at hindi ito AI generated o gawa-gawa lang.

“(Gusto ko lang pong linawin na ito po ay pirma ninyo at hindi po AI generated?) Pirma ko po ‘yan, ako po ang pumirma nyan at hindi lang po iisang ganyang ang napirmahan ko, marami na rin po akong pre-ops na na napirmahan,” saad ni Jonathan Morales, Former Investigation Agent, PDEA.

Si Morales ay dating pulis at na-recruit sa PDEA noong taong 2009 ngunit umalis sa serbisyo taong 2013.

“Meron pong litrato, kasi ‘yung litrato na ‘yun nanggaling po sa cellphone ng reportee o ‘yung confidential informant,” dagdag ni Morales.

“(Pero sigurado po kayo sa pagkakatanda nyo po na nandun sa litrato na naka-file sa PDEA ang mukha ni Maricel Soriano at ni Bongbong Marcos?) Opo nandodoon po,” ayon pa kay Morales.

“(So ‘dun po sa picture na ‘yun meron silang sinisinghot na white powdery substance?) Opo, (Wow! So, grabe)” ani Morales.

Ayon sa kaniya, hindi natuloy ang operasyon na hulihin noon si Bongbong Marcos dahil mayroong pumigil dito ngunit tumanggi itong pangalanan dahil na rin sa gagawing imbestigasyon ng Senado.

“(Pero masasagot nyo po ba na may pumigil dito?) May pumigil pero hindi ko po muna sasabihin ‘yung identity nung mga tao na nasa likod nya, dun na lang po sa Senado, ipagpaumanhin nyo po,” aniya.

Matatandaan noong unang lumabas ang mga dokumento ay tahasan itong itinanggi ng PDEA.

Giit pa nga noon ng PDEA, gawa-gawa lang ang mga dokumentong ‘yun dahil wala naman anila itong control number bagay na sinagot ni Morales.

“(Ito po ay walang control number, ang sabi nila gawa-gawa ni Maharlika ‘yan, walang control number, so ano po ba ang paliwanag natin bakit wala pong control number ito?) ‘Yan po kaya walang control number kasi hindi natuloy kasi kung natuloy ‘yan ginawa ng opisina after na mapirmahan, saka namin dadalhin ‘yan sa National Operation Center,” tugon ni Morales.

Dahil sa mga rebelasyon ni Morales, mas tumibay pa’t naging malinaw sa taumbayan ang mga naunang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng umano’y paggamit ni Pangulong Marcos ng ilegal na droga.

(Ano po feeling ninyo that moment na pinagbawalan kayong ituloy ang pag-aresto o pag-raid dito kay Maricel Soriano at Bongbong Marcos), Disappointment kasi unang-una, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, ginawa ‘yan para sa any person, walang exemption jan eh kumbaga ginawa ‘yang batas para papanagutin kahit na sinong tao,” ayon pa kay Morales.

Sa huli, hinamon ni Morales si Pangulong Marcos na sumailalim na lang sa drug test.

“Kaya ang demand sa kanya lalo ‘yung grupo namin at demand namin sa kanya is hair drug test, kumbaga ‘yun talagang makikita talaga kahit matagal kang gumamit makikita ron” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter