PINANGUNAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Ilocos Norte ang paglahok sa isinagawang Strengthening Institutional Capacities ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP- BADAC) training program sa nasabing lalawigan.
Lumahok at nagsilbing resource speakers sa local government unit (LGU) ang barangay drug clearing team sa pamumuno ng assistant provincial officer, at Department of Interior and Local Government (DILG) SICAP-BADAC.
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng 21 barangay ng Bacarra, Ilocos Norte na ginanap nito lamang buwan ng Abril.
Ang aktibidad ay nilahukan ng DILG cluster leader, field officers, BADAC Councils ng 21 barangay, at iba pang stakeholders.
Ayon sa PDEA Ilocos Norte Provincial Office, tinalakay ang mga sumusunod:
Ang pambansa at panlalawigang sitwasyon ng droga, pagkilala sa mga bawal na gamot at mga epekto ng mga gamot, regulasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 4, series of 2021 at Drug-Free Workplace Program.